Saturday, February 26, 2011

Ano ang mga Sawikain o Idioma?

Naisip kong gumawa ng mga serye ng pahina tungkol sa mga takdang aralin ng ating mga kabataang nasa elementarya at sekondarya. Oo nga pala, ito ang pinakaunang pahina ko dito sa blog kong ito na nakasulat sa buong Tagalog. Napagtanto ko, ang hirap pala magtagalog pag nasanay kana sa Ingles (hindi naman sa nagmamayabang). Ika nga ni Rizal, mahalin natin ang ating wika.

At para hindi na tayo magpaligoy-ligoy pa, ano nga ba ang mga sawikain o idyoma/idioma?

Ano ang mga sawikain o idyoma/idioma?

Ang mga sawikain o idioma/idyoma ay mga salitang ginagamit sa pagbibigay ng deskripsyon sa isang bagay o tao sa paraang masining at hindi direktang pagpapahayag. Ang mga ito ay ginagamit sa patalinhagang pamamaraan.

Mga halimbawa ng sawikain o idyoma/idioma

Kwentong barbero - Mga kwentong hindi totoo at inimbento lamang.
Halimbawa: Ayan nanaman si Ernesto kwekwentuhan nanaman tayo ng kwentong barbero.

Utak biya - Mga taong mahina ang pagiisip.
Halimbawa: Wag ka magtanong jan kay Jose. Utak biya yan.

Takaw mata - Kumukuha ng pagkain na hindi naman uubusin.
Halimbawa: Wag kang takaw mata. Hindi mo naman yan mauubos sayang ang pagkain. Isoli mo nalang yan.

Basagulero - Mga taong mahilig sa pakikipagaway.
Halimbawa: Yang mga tambay sa kanto, naku panay basagulero yang mga yan.

Hampaslupa - Mga taong pobre at mahirap ang pamumuhay.
Halimbawa: Lumayas kayo sa pamamahay ko mga hampas lupa!

Jejemon - Mga taong iniiba ang pamamaraan ng pagsulat sa mga salita para mabigyan ng sariling identipikasyon ang sarili.
Halimbawa: Andami kong nakausap na jejemon kagabi sa Yahoo! Messenger.

Mahangin - Isang tao na saksakan ng yabang.
Halimbawa: Nako ayan nanaman si Martin, ang taong mahangin.

Mukhang pera - Mga taong mahilig sa salapi at gagawin ang lahat makapagkamal lamang nito.
Halimbawa: Si Gen. Garcia ay mukhang pera.

Mainit ang ulo - Naglalarawan ng taong malapit ng magalit
Halimbawa: Wag mo na guluhin si Lorna. Mainit ang ulo nyan.

Bukambibig - Naglalarawan ng tao na iisang bagay lang ang madalas sabihin
Halimbawa: Hirap kausap ni Luis. Ang bukambibig kasi parati eh kompyuter.


At dito nagtatapos ang aking maikli ngunit napakaimpormatibong pahina tungkol sa mga sawikain o idioma/idyoma. Marami pang halimbawa ng mga sawikain o idyoma sa kabuuuan ng internet, maghanap lamang kayo.


Hanggang sa aking susunod na pagsulpot.

P.S. Mahirap pala talaga magsulat ng buong Tagalog.

No comments:

Post a Comment